Layunin ng Yelp na maipakita ang tunay na karanasan ng mga mamimili sa mga negosyong lokal — at karamihan ng mga nagsusulat ng review ay nasisiyahan. Mas madalas magsulat ng mga positibong review kaysa kritikal na mga review ang mga Yelper; karamihan ng mga review ay apat o limang bituin.
Ang mga kritikal na review ay pagkakataong makabuo ng pakikipagkapwa at tiwala sa iyong mga kostumer. Ipakita sa iyong mga kostumer na mahal mo sila sa pamamagitan ng pakikinig at constructive na pagsagot ng mga review sa Yelp.
Mas pinahahalagahan namin ang mga review na mataas ang kalidad kaysa madaming review na hindi mapapakinabangan ang nilalaman, at hindi namin inirerekomenda ang bawat isang review na aming nakukuha. Heto ang ilan sa mga bagay na ginagawa namin upang i-highlight ang mga pinaka-mapagkakatiwalaan at kapaki-pakinabang na review sa Yelp.
Magkaroon ng kapansin-pansin na checkmark na nagpapahiwatig sa mga user na nakikipag-ugnayan ka sa komunidad ng Yelp. Magdagdag ng mga magagandang larawan at ikwento ang storya ng iyong negosyo gamit ang sarili mong mga salita. Panoorin ang video
Tugunan ang mga isyu sa paraang nakakatulong kapag natanggap ang mga ito. Ipinapakita ng aming study na ang tamang tugon sa isang kritikal na review ay maaaring makabuti sa impresyon ng kostumer sa pangkalahatang karanasan.
Paganahin ang Humingi ng Paunang Kwenta, Mga Alok sa Check-In, o Mga Yelp Deal para makipag-ugnayan sa mga potensyal na kostumer at palaguin ang iyong negosyo.
Kumpirmahin ang iyong tirahan, marka sa mapa, telepono, at website. Siguraduhing ang iyong negosyo ay nakalista sa tamang mga kategorya.
Humingi ng libreng karatula ng Yelp, ipakita ang iyong opisyal na Mahal Nila Kami sa Yelp sticker kung karapat-dapat lang, at isama ang iyong paboritong mga review sa iyong website at social media.
Mag-flag ng mga review na sa tingin mo'y lumalabag sa Mga Alituntunin ng Nilalaman ng Yelp, at susuriin ng aming team.