May tatlong posibilidad:
Nakakatanggap kami ng milyun-milyong mga reviews mula sa aming mga user, at sinusubukan naming itampok ang mga pinakamaganda at kumakatawan sa opinyon ng mga tao sa komunidad ng Yelp. Ang iba pang mga reviews ay maaaring mabasa sa link na matatagpuan sa ibabang bahagi ng pahina ng profile ng negosyo, ngunit hindi nakakaapekto ang mga ito sa kabuuang bilang ng bituin o dami ng reviews na natatanggap.
Ang paraan na ito ay hindi katulad ng ibang website na nagtatampok ng reklamo at galit mula sa lahat ng tao. Ginagawa namin ang aming makakaya upang mapangalagaan ang komunidad ng user na aktibong nagbibigay ng makabuluhan at mapagkakatiwalaang nilalaman.
Gumagamit kami ng awtomatikong software na dinesenyo ng aming mga inhinyero upang magrekomenda ng mga review mula sa komunidad ng Yelp. Ang software na ito ay tumitingin sa dose-dosenang mga senyal, kabilang na ang panukat ng kalidad, pagkamaaasahan at aktibidad sa Yelp. Higit sa lahat, hinahanap nito ang mga tao na may busilak na layunin na magbahagi ng kanilang detalyado at makabuluhang karanasan bawat araw mula sa iba't-ibang lokal na negosyo. Kadalasan, ang aming software ay nagrerekomenda ng halos tatlong-kapat ng mga review na ipinapasa sa site.
Maraming posibleng dahilan kung bakit hindi kasama sa mga rekomendado ang review. Halimbawa, posibleng galing ito sa user na hindi pa gaanong establisado ang review, o kaya'y mukhang hindi 'to nakatutulong o kaya ay puno lang ng galit. Ang ilan sa mga reviews na 'to ay peke (kagaya ng mga reviews na nagmumula sa iisang kopyuter) at ang iba naman ay halatang may kinikilingan (gaya ng mga sinulat ng kaibigan ng may-ari ng negosyo), pero ang karamihan ay mga tunay na reviews na mula sa lehitimong kostumer, pero kulang ang impormasyon namin tungkol sa kanila kaya hindi namin magawang irekomenda ang kanilang reviews.
Hindi. Pantay-pantay ang turing ng aming recommendation software sa mga nagbabayad at di nagbabayad para sa pagpapatalastas. Makakahanap ka ng mga Yelp advertiser na may mga negatibong review, at madami din sa mga hindi nagbabayad para sa pagpapatalastas ang may limang bituin na grado.
Bilang karagdagan, walang kaugnayan ang pagpayag – o pagtanggi – ng negosyo na mag advertise sa oras kung keilan marerekomenda ang review. Pwedeng mairekomenda o hindi mairekomenda ang mga reviews pagkalipas ng ilang araw, linggo, o kahit pa ilang buwan mula sa araw ng pagkaka-post dito. Hindi pwedeng makaimpluwensya ang aming mga sales representatives kung kailan ito mangyayari.
Sa madaling sabi, walang anumang kaugnayan ang mga reviews at kahit ano pa mang aspeto ng Yelp Ads o proseso ng pagbebenta ng Yelp Ads. 'Yun lang.
Hindi mo pwedeng pasayahin ang 100% ng mga tao sa 100% ng oras, kahit pa ibigay mo ang lahat lahat ng makakaya mo. Ang mga negatibong reviews ay nakakalungkot — pero normal lang — na bahagi ng pagnenegosyo. Nakakatanggap din kami ng mga ganito.
Importanteng tingnan ang mga pagkakapareho ng mga review mo (halimbawa: maraming nagsasabi na luma na ang tinapay o may isang empleyado na laging masungit), pero hindi mo dapat ituon sa iisang review lang ang lahat ng atensyon mo. Karamihan sa mga user ng Yelp ay naghahanap ng iisang opinyon na makikita sa mga reviews na binasa nila. Hindi nila ginagamit na basehan ang nag-iisang review. Kaya ganun din ang dapat mong gawin.
Siyempre, pwede kang makipag-ugnayan sa taong nagsulat ng review o mag-post ng pampublikong sagot sa kahit anong oras, pero kailangan ka naming paalalahanan na malamang makakasakit lang sa'yo kapag binato mo ng mas matinding kritisismo ang mga kritiko mo.
Hindi kami pumapagitna sa mga di pagkakaunawaan, kaya ang pinakamagandang gawin ay makipag-ugnayan sa nagsulat ng review o mag-post ng pampublikong sagot para malinawan ang mga isyu. Kung halatang-halata na nilabag ng review ang aming Mga Alituntunin ng Nilalaman (halimbawa: inamin ng nagsulat na hindi naman siya ang mismong nakaranas ng sinulat niya sa review o gumamit siya ng racial slur), pwede mong ireport ang review para mabigyang-pansin namin ito.
Hindi. Hindi mo dapat hilingin sa mga kostumer mo na magdagdag ng mga reviews sa Yelp.
Una sa lahat, karaniwan na sa mga negosyo na pakiusapan ang masasaya nilang kostumer para magsulat ng review, at hindi 'yong mga hindi nasiyahan. Nagpapakita lang ng maliit na parte ng mas malaking istorya ang mga reviews na maingat na pinili at hindi 'to patas para sa mga mamimili. Mas gugustuhin namin na malaman ang opinyon ng mga miyembro ng komunidad ng Yelp na magsasabi ng karanasan nila kahit hindi sila pilitin ng may-ari ng negosyo.
Hindi ka dapat magtaka kung hindi irekomenda ng software namin ang mga reviews ng mga kostumer na pinakiusapan mong magsulat. Ang pinakamagandang paraan para kumuha ng magandang kalidad at walang kinikilingan na reviews tungkol sa negosyo mo ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng masayang karanasan sa mga kostumer mo – walang kinalaman dito ang paghiling sa mga kostumer mo na mag-post sa Yelp.
Heto ang ilan sa mga posibleng eksplanasyon:
Tumatakbo araw-araw ang aming recommendation software, kaya pwede ding mabago bawat araw ang resulta. Posibleng may reviews na marerekomenda o hindi rekomendado sa loob ng ilang araw, linggo o kahit pa ilang buwan, mula sa araw ng pagkaka-post dito. Posibleng may nakuhang impormasyon ang recommendation software namin kaya inakala nito na mas katiwa-tiwala ang ibang reviews. Pwede ding mangyari ang kabaligtaran nito. Minsan, naluluma o kaya'y nagiging kulang-kulang ang impormasyon na meron kami tungkol sa isang taong nagsulat ng review, at isinasaalang-alang din ito ng software.
Ang mahalaga, nagbibigay ng magkakaibang resulta sa bawat araw ang aming recommendation software at ito'y ayon sa impormasyong nakukuha nito.
Lisensyado ang pangunahing impormasyong tungkol sa negosyo galing sa ikatlong partido na nangangalap ng datos mula sa mga pampublikong talaan at iba pang sources. Nakakakuha din kami ng datos tungkol sa negosyo mula sa aming mga user na tumutulong sa pagwawasto ng mga impormasyon na meron kami. Minsan pinapaalam nila sa'min kung may bagong bukas na negosyo sa kanto. 'Wag kang mag-alinangan na ipaalam sa amin kung mali o luma na ang impormasyon namin!
May karapatan ang mga mamimili na ipahayag ang kanilang gusto (at hindi gusto) tungkol sa pagkain na kanilang inorder, tubero na kanilang tinawagan, o car wash na kanilang sinubukan. Hindi kami nagtatanggal sa listahan ng mga negosyo kaya ang pinakamabuting hakbang ay makipag-ugnayan sa mga tagahanga, pati na sa mga kritiko mo, at pakinggan ang kanilang saloobin.
Hindi. Hindi mo kami pwedeng bayaran para tanggalin o palitan ang pagkakasunud-sunod ng hindi magandang reviews mo — ganun lang 'yon kasimple. Mahalagang banggitin din namin kung ano ang nagpapatatag sa sistema namin: walang administratibong pribilehiyo ang sales team namin kaya hindi nila kayang tanggalin ang mga di magandang reviews para paboran ang mga advertiser; maliban dito, ang mga taong may ganoong kakayahan ay walang kinalaman sa pagbebenta at hindi sila ginagantimpalaan batay sa estado ng bentahan.
Maraming mga kompanya para sa "pangangasiwa ng reputasyon" ang nagsasabing nakikipagtulungan sila sa Yelp para tanggalin ang mga negatibong review tungkol sa'yo o pagbutihin ang grado mo... may bayad ang mga ito (siyempre!). Kung iniisip mo kung paano nagagampanan ng mga ganitong kompanya ang kanilang mga pinagyayabang, simple lamang ang sagot dito: Hindi nila ito kayang gawin. Walang anumang halaga ang maaaring ibayad ng kahit sino — sa Yelp man o sa iba pang ikatlong partido — upang manipulahin ang mga reviews.
Kung may nakipag-ugnayan sa'yo na nag-aalok ng katulad nito, gusto naming malaman ang mga detalye para mapigilan namin sila bago dumami ang kanilang biktima. Pakiusap, makipag-ugnayan sa amin para maipadala sa amin ang mga detalye.
Bilang panghuli, gaya ng sinabi namin noon, ang pinakamagandang paraan para ayusin ang reputasyon mo ay ang siguraduhin na nabibigyan ng maayos na serbisyo ang mga kostumer mo, at sumagot nang magalang sa mga nagsusulat ng review.
Syempre hindi. Hindi pwedeng itakda o manipulahin ang pagkakasunod-sunod ng reviews ng Yelp Sort. Ito ang aming paraan ng pag-aayos na nagpapakita sa user ng mga pinakamakabuluhang reviews. Halimbawa, ang unang review para sa negosyo ang nagpapakita ng pangkalahatang grado para sa negosyong 'yon. Pinaiiral 'to para sa lahat ng negosyo, isponsor man o hindi.
Ang mga ito'y batay sa boto ng mga user na gumawa ng reviews sa mga negosyo. Pwedeng mabago ang mga ito sa hinaharap habang nadadagdagan ang mga reviews na ginagawa ng ibang tao at nadadagdagan din ang mga boto. Ang ilang aspeto na pinapakita namin sa mga listahan ng negosyo (halimbawa: kung ang negosyo ba ay tumatanggap ng credit card o naaangkop ba ang pasilidad nila para sa mga taong naka-wheelchair) ay pwedeng itakda ng may-ari ng negosyo kung nag-sign up siya para sa libreng Account Para sa Negosyo.
Sa pamamagitan ng programang "People Love Us on Yelp", ang mga nagtatag ng Yelp ay nagbibigay ng sticker at liham ng pagkilala sa mga karapat-dapat na negosyo. Ito ay batay sa kanilang kasaysayan at nakuhang rating sa Yelp. Dalawang beses sa isang taon ang pamimigay ng stickers sa mga napiling negosyo. Maging advertiser man ang negosyo o hindi, wala itong epekto sa pagpili kung sinu-sino ang makakatanggap ng "People Love Us on Yelp" na sticker.
Walang may gustong makakuha ng negatibong reviews, at mas masakit lalo kapag nilabag ang mga legal na karapatan mo. Pero kahit ang pinakamagaling na abugado ay sasabihin sa'yo ang katotohanan: masyadong magastos at mahirap maipanalo kapag nagdemanda ng paninirang-puri. Lumalala pa ang sitwasyon kapag nalaman ito ng publiko. Pwede kaming magbigay ng maraming halimbawa ng ganitong kasong mas madami pang perwisong dinulot sa negosyo nila kaysa benepisyo. Hindi din makakatulong na idawit pa ang Yelp dahil kami'y nagsisilbing forum lamang, kagaya ng ibang sites, kung saan pwedeng ibahagi ng iba't-ibang tao ang pananaw nila. (Sumusuporta ang batas dito pero pwede kang sumangguni sa abugado mo para kumpirmahin.) May ilang pagkakataon na kailangang gumawa ng legal na aksyon, pero kadalasan, hindi mo rin makukuha ang hinahanap mo sa pamamagitan ng pagdedemanda sa taong nagbigay sa'yo ng di magandang reviews.